Friday, July 18, 2014

ISYU NG DAP, 'SING BAGSIK NG SUPER TYPHOON YOLANDA

ANA: "Alam mo bang halos nagtatagalog na lahat 'yung kapwa nating bloggers na SUMAWSAW sa debate re: constitutionality ng DAP? Halatang de-kalembang na mga lieyers, by profession, ang ilan sa kanila porke ipinaglalaban pa ng dikdikan-ng-bayag sa internet na unconstitutional DAW talaga ang DAP?"

LISA: "Well, well, ako, nilagang itlog lang ang kinakain ko, ayaw ko ng durog! 'Yung HILATSA ng pangangatuwiran ng mga lieyers eh ayaw talaga nilang BAKA baligtarin ng SC ang nauna nilang desisyon na UNconstitutional ang DAP, otherwise, wala nang mataTALBUSAN ang mga politiko pagsapit ng 2016 national elections, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day, bilib talaga ako sa talino mo, peksman. Kase, UNA nang idineklara ng SC na unconstitutional ang PDAP. Kung gano'n, saan pa kukuha ng panggastos ang mga pulpolitiko sa kanilang kandidatura sa darating na eleksiyon, unang-UNA ang mga nasa oposisyon? Kaya naman malakas pa sa DALUYONG ni Yolanda ang pagkontra ng taga-oposisyon na huwag ibalik ng SC ang DAP porke mga kandidato lamang daw ng administrasyon ang makikinabang sa pondo ng DAP???"

No comments:

Post a Comment