Wednesday, July 9, 2014

POLITICAL MATURITY

ANA: "An'dami talagang spin-doctors na naglulutangan ngayon samantalang ang layo-layo pa ng 2016 presidential elections, o, 'di ba? Magkano kaya ang kinikita ng mga professional spinners na'to na nagpaPALUTANG ng mga KURO-KURO kung sino ang pinaka-malakas na kandidato at posibleng mananalo sa pagka-pangulo at ang bise nito, ha?"

LISA: "Ay, totoo 'yan 'ga. Pinalulutang ngayon ang mga pangalan nina Sens Grace at Chiz bilang (walang katalotalo) kunong Prez & Veep candidates. Pero nang kinukuha ng media ang kompirmasyon ni Grace at ni Chiz sa napaulat nilang pagtakbo bilang magkaTANDEM kuno, eh itinanggi nilang pareho na WALA silang balak na tumakbo sa mas mataas pang posisyon. So, maliwanag na STIR lang 'to ng spin-doctors ni Nognog? Magkano???"

CION: "Political maturity ang tawag sa ganyan. Ibig sabihin, magulang-sa-pamumulitika! Parang larong chess kasi 'yan eh. Sina Grace at Chiz eh kakampi ng administrasyong PNoy 'gaya ni Mar Roxas, 'di ba? Kung si Mr Palengke at ka-tandem nito, halimbawa, ang admin's official candidates for prez/veep sa 2016 laban kina Grace - Chiz tandem, batay sa pinalulutang ng mga spin-docs ni Nognog, eh siguradong MAHAHATI ang boto ni Palengkero! So, posibleng mananalo si Nognog? DISASTER!!!"        

No comments:

Post a Comment