Friday, July 11, 2014

MALINGERING

ANA: "Bilib talaga ako sa kapritsong pinaUSO ni Ate Glo para makaiwas makulong ang isang plunderer na 'gaya niya. Sa halip na makalaboso sa SELDA na walang piyansa habang pending ang kaso laban sa kanya, pinauso niya ang MALINGERING (to pretend or exaggerate illness, esp to avoid detention), kaya nagsuot siya ng neck-brace para 'di raw bumaluktot ang kanyang spinal chord, sabi ng mga kakutsabang doktor. So, ang resulta - HOSPITAL ARREST. Putragiz talaga, hhuuu!!!"

LISA: "Ay, sinabi mo. 'Yan ngayon ang agenda ng LAHAT ng mga onorabol na kinasuhan ng plunder, partikular ang mag-among sina Tanda at GG, para PILITIN ang Korte upang kapwa sila i-hospital-arrest din! Biruin mong nag-imbento ng sakit na PANIC ATTACK 'tong si Gigi at sinangayunan pa man din ng mga kasabwat na doktor? Juice koh, Tang INUmin N'YO!!!"

CION: "Yan ngayon ang HINDI maunawaan ng publiko, peksman. Kaya mismong ako eh umaamin din na talagang PERPLEX ako na 'gaya nila, kase, anong kapangyarihan ba ang TAGLAY ng mga doktor para tahasang suwayin ang utos ng SB? ANO???"  

No comments:

Post a Comment