ANA: "Alin ba kase sa dalawang sistema ng audit na ginagawa ng COA ang mas epektibo, pre-audit o post-audit? Ang pre-audit system kase, the office's finances are audited before the fund is released. Samantalang ang post-audit naman, it means auditing an office's finances after the money has been spent! Which is which?"
LISA: "Ang system na ginagamit sa pagkaka-alam ko eh post-audit, kase tingnan mo, hindi na mahabol pa ng COA 'yung multi-billion PDAF & DAF na kabod na lang (nawala-sa-radar) matapos itong i-release ng DBM sa mga legislaTONGs para pondo kuno ng kani-kanilang proyekto. Kahit utusan ng COA ang mandarambong na lagislators para ibalik ang pondo, eh 'di pupuede, kase, nai-SUBI na ni Janet ang pondo, kahit itanong mo pa kina Tanda, Junggoy at Bobong. O, 'di ba Gigi???"
CION: "Sa palagay ko eh dapat ngang isama sa ginagawang REPORMA ni PNoy ang sistema ng audit (pre or post) na dapat ipatupad ng COA upang direktang matukoy at maibalik sa kaban-ng-bayan ang mga nakulimbat na taxpayers' money. At SANA, eh maibalik na rin ang parusang BITAY laban sa mga sentensiyado ng major crimes 'gaya ng murder, rape, illegal drugs, 'tsaka PLUNDER! Anong say mo, Justice Secretary LdL, Madam?"
No comments:
Post a Comment