Wednesday, July 30, 2014

SI VIS PACEM, PARA BELLUM. (If you wish for peace, prepare for war!)

ANA: "Alam mo 'ga, indirectly eh nagpahiwatig si PNoy noong SONA, sa pamamagitan ng kanyang EMOSYON bago matapos ang talumpati nito, na merong hindi kanais-nais na pagkilos ang mga makaKANAN (retired generals) laban sa gov't, at kinumpirma naman ito ni Sen Sonny Trillanes at mga kasamahang dating PMAers na pawang mga congressmen na ngayon, ang LIHIM-NA-PAGKILOS, o, 'di ba?"

LISA: "Uunga 'ga. Pero MINALIIT lang ito ng Malacanang at mismong pamunuan ng AFP para hindi mabulabog at magdulot ng agam-agam sa mamamayan. Ngunit hindi nangangahulugan na kampante na ang Commander-in-Chief at ang buong AFP dahil kase sa KAYANG-KAYA talagang pondohan ang binabalak na coup d'etat ni Big Mike mula sa mga kinulimbat nitong kayamanan-ng-bayan, peksman!"

CION: "Sa palagay ko eh HANDANG-HANDA ang AFP at PNP, kasama ang buong mamamayan laban sa lihim-na-pagkilos ng mga makaKANAN na pulos amuyong ni Big Mike, porke 1:1 (one is to one) na ngayon ang ratio ng supply ng baril kada sundalo o pulis. 'Yung mga nasa frontline eh pawang nangakasuot ng kevlar helmet na made-in-USA, hindi gawang TAE-wan na idineliber ni Janet na bagay ipasuot ke Big Mike at mga amuyong nitong retired generals. 'Yun nah!!!"

No comments:

Post a Comment