Monday, July 7, 2014

VP NOG STARTS SEARCH FOR VP IN 2016 POLLS

ANA: "Magkano ang budget para sa AC/DC ng mga sikat na kolumnista at para sa media in general? Sige, hulaan mo. Ang aga-aga pa at buhol-buhol ang problema re PDAF scam, hoarding ng bigas, atbp, pero sa halip na magTARBAHO bilang bigbos ng NHA si VP Nog eh iba ang inaasikaso't pinagkaka-GASTUSAN mula sa kaban-ng-bayan?"

LISA: "Hindi pa naman kasi election time kaya 'di pa pupuedeng kasuhan ng Comelec ng over-spending si VP Nog, noh! Pero bilang bigbos ng National Housing Authority (NHA), siempre, kailangang ipaliwanag ni VP Nog sa publiko at sa BIR kung pa'no niya GINAGAMIT ang P11.252 BILLION 2014 budget ng NHA na completely controlled by his Office, o, 'di ba? Ang tanong eh, meron pa bang NATIRA???"

CION: "Oo nga noh? 'Tsaka nga pala 'yung P300 MILLION pork barrel ni Nancy Binay, saan kaya ginastos ng dinastiya ni VP Nog ang kuartang 'yon mula sa taxpayers' money? Aba eh, habang hindi magkandaUGAGA ang buong bansa dahil sa problemang dulot ng PDAF scam na kinasasangkutan ng DINASTIYA ng mga pulpolitikong MANDARAMBONG, umaariba naman at nangangampanya na 'tong si Nognog at humihikayat ng makakaTANDEM! Baket, itinatakwil na ba ni Nognog si Junggoy bilang ka-tandem nito porke nasa kalaboso? Hay INGRATO - sabi ni Erap."

No comments:

Post a Comment