Tuesday, July 8, 2014

THE CONCEPT OF JUSTICE FOR A FELLOW CROOK

ANA: Oy, 'lamobang ang nagpakilala pala ke justiis ONGguy ke Janet Lim-Napoles eh si onorabol Junggoy? Talaga nga namang bukod sa magkatunog ang kanilang pangalan, eh matsing-hawig din ang kanilang pag-uugali. Kase, kapwa sila VORACIOUS sa pandarambong, o, 'di ba?"

LISA: "Hindi lang katakawan sa pangungupit ng taxpayers' money ang na-aaninag ko sa matsing-hawig na sina ONGguy at Junggoy. Sigurado akong hindi ka DULING, ano hah! Pero tingnan mo, bakit parang isang mata lang ang NAKAPIRING at tagibang din ang hawak na timbangan ni Bb Katarungan?"

CION: "Mabuti ka pa 'day at medyo perceived mo LANG 'yung umiiral na concept of justice for a fellow crook. Samantalang ako eh KITANG-KITA ko ang quibbling ng SC re administrative aspect of the case - suspension or dismissal for ONGguy? Bakit kaya ayaw nilang talakayin 'yung criminal aspect ng kaso na PLUNDER? Mahigit daw kasing P100 M ang tinanggap na suhol ni ONGguy mula ke Janet para ibasura ng justiis ang P3.5 M worth of fake kevlar helmet case. Susmaryopes gid!"    

No comments:

Post a Comment