Sunday, March 16, 2014

4 SENATONGS & 79 TONGRESSMEN TIED TO AGRI PORK SCAM

ANA: "Bukod kina onorabol Tanda, Junggoy at Bobong Revilla eh sabit din pala si ex-Sen Sonny Angara sa PDAF racket noh? Ayon pa sa PDI eh 79 pang TONGressmen ang sasabit din sa pork scam na'to kapag dinala na ang TALAKSAN ng ebidens sa Sandiganbayan ni Ombudsman Conchita, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Ang nakikita ko lang na malaking problema, eh, saan puedeng ikakalaboso ng sabay-sabay ang 83 onorabol na legislaTONGs habang nililitis sila sa kasong PANDARAMBONG ng Sandiganbayan? Kase, sure-na-sure ako, wala namang PIYANSA ang kasong pandarambong, noh?"

CION: "Para sa'ken, 'yan ang nakikita kong DAHILAN kung bakit patuloy na nabibinbin ang pagsasampa ng demanda sa Sandiganbayan vs mga mandarambong na onorabol. Kasi, 'di sila pupuedeng ihalo sa selda ng mga preso sa city jail. Eh, CONTAGIOUS kasi ang virus ng pandarambong na nasa utak ng mga legislaTONGs, siempre, mako-contaminate ang utak ng mga karaniwang preso kapag pinaghalo-halo sila sa city jail. Hindi lang sa Congress kundi nationwide kakalat ang virus ng pandarambong. Hay, disaster!!!"

No comments:

Post a Comment