ANA: "Alam kaya ni broadCASHter Erwin Tulping ang ibig sabihin sa Tagalog ng English word na INTEGRITY, na sinabi niyang very damaging daw sa kanya, kase, ibinisto ng PDI na tumanggap siya ng SUHOL mula sa NABCOR?"
LISA: "Uh-unga 'ga. Kung talagang merong integrity (kalinisang-budhi o katapatan o karangalan) si Erwin Tulping eh huwag siyang magmalinis sa mata ng publiko sa pamamagitan ng pagsasampa ng libelo vs PDI sa intensiyong mahinto ABRUPTLY ang patuloy na pagbira sa kanya sa media. SMB - style mo bulok!!!"
CION: "Nakana mo ang TARGET 'day. Gustong iligaw ni Erwin ang isipan ng publiko para 'wag siyang putaktihin sa media ng batikos re P300T AC/DC (suhol) para sa kanya, kase, sinadya niyang magsampa ng kasong libelo at humingi ng P12M danyos (KUNO), upang sa Korte na mapag-usapan ang binibintang sa kanya ng PDI, sa halip na pag-usapan ito sa media, o, 'di ba? Hay, MALA FIDE!!!"
No comments:
Post a Comment