Sunday, March 2, 2014

IS TRC DIR/GEN DENNIS CUNANAN AN UNDERGRADUATE?

ANA: "Alam mo bang kinumpirma ni CSC exChair Karina Constantino-David na si TRC Dir/Gen Dennis Cunanan pala eh hindi nakatapos sa kolehio, taliwas sa deklarasyon niyang graduate umano siya sa UP, kaya naman na-appoint siya noon ni exPGMA na director-general ng Technology Resource Center?"

LISA: "Oo nga 'ga. Pero tumanggap naman daw ng diploma si Cunanan no'ng 2005 bilang Ph.D Anomaly from Recto Ave University of Manila City (RAUMC). Ito ang KINUMPIRMA umano ng kanyang lieyer na si Odessa Bernabe, ayon sa PDI, o, 'di ba?"

CION: Ang isyu kasi rito eh 'yung credibility ni Cunanan bilang state witness, kase, mukhang wet-na-wet na siya.  So ang tanong eh, kailangan bang RAUMC graduate LAMANG ang pupuedeng maging state wEtness? Heto pa ang isang tanong - kailangan bang RAUMC graduate LAMANG ang pupuedeng mag-senador para mangulimbat ng PDAF, 'gaya nina onorabol Amazing Kap at onorabol Tolits alyas Leon Guerrero?"

No comments:

Post a Comment