Saturday, March 22, 2014

RED LEADERS CAPTURED

ANA: "Hayan, nahuli na rin sa wakas ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, ang head at finance officer, respectively, ng Communist Party of the Philippines (CPP) at nagpapakilos sa armed wing nitong New People's Army (NPA), kasama ang lima (5) pang high ranking CPP-NPA na pawang member ng kanilang central committee. Buti nga. ."

LISA: "Alam mo bang mahigit na 40 years nang GINUGULO ng CPP-NPA ang inilatag na demokrasya ng Phl Constitution sa pamamagitang ng istilo kunong GERILYA na pakikibaka o WAR vs AFP/PNP at ang nagdurusa eh ang buong sambayanan?"

CION: "Mabuti na lamang at nahuli lahat sila sa pamamagitan ng ARREST WARRANTS dahil sa mga criminal acts (murders, frustrated murders, extortion, etc.) pending sa RTC Br 31 sa Laoang, Northern Samar. Lilitisin lahat sila bilang mga KRIMINAL na SALOT sa bayan. Sana, isunod na rin ang paglilitis sa mga onorabol na kapareho din ng CPP-NPA na salot DIN sa bayan, Madam OMB Conchita???"

No comments:

Post a Comment