Tuesday, March 18, 2014

OTHER DEVELOPERS WITH THE SAME CONTRACTS AS GLOBE ASIATIQUE

ANA: "Alam mo bang meron pang mas naunang sindikato a la Delfin Lee na KASABWAT mismo ang National Home Mortgage and Financial Corp (NHMFC), isang gov't owned and controlled corporation (GOCC), re DOUBLE SELLING ng mga hinuhulugang properties?"

LISA: "Uh-uhngaa 'ga. Ito 'yung DB GLOBAL OPPORTUNITIES (DBGO) na nagporma ng isang balatkayong kompanya, ang BALIKATAN a.k.a. BFS, bilang special purpose company nito na siyang nambabaraso at nagpapalayas sa more than 52,000 homeowners sa mga nabiling properties sa buong Pinas! Kahindik-hindik, o, 'di ba?"

CION: "Inimbestigahan na ang kasong ito sa Committee on Housing and Urban Development ng Lower House no'ng panahon ni Speaker Prospero Nograles pero hanggang ngayon eh wala pang inilalabas na Resolution. Bukod sa KUTSABAHANG Jopet Sison, ex-Pres ng NHMFC at Federico Cadiz, Jr., Pres ng Balikatan, eh meron DAW BASBAS sa P13 Billion housing scam na'to si ex-PGMA, at KAALAM daw sina ex-VP and ex-HUDCC bigboss Noli de Castro, 'tsaka si NEDA ex-Dir/Gen Augusto Santos. Hay, beri-beri big iskandal 'to!!!"  

No comments:

Post a Comment