Friday, March 28, 2014

SEN BRENDA'S NEXT TARGETS: LINE AGENCIES

ANA: "Naku, nagbabala na si Sen Brenda vs mga pasaway na administrador, managers, presidente o bigboss ng mga gov't functionaries 'gaya nang TRC, NABCOR, 'tsaka nang Muslim Youth Foundation na kakutsaba RAW ng mga legislaTONGs sa pandarambong upang paiimbestigahan nito sa Senate, sa KUMITA ni Sen Gunggongna?"

LISA: "Aprub ako sa panukalang Resolution ni Sen Brenda para sa imbestigasyon ng Senate Committee sa katiwaliang pinaggagagawa ng mga gov't functionaries porke nagpapagamit at ginagawa silang IMBUDO ng mga pekeng NGOs (a la Janet Napoles') at do'n padaDALUYIN ang limpak-limpak na kaban-ng-bayan at paghati-hatian ang bilyon-bilyong pondo ng Phl! Mga barbaro talaga sila, peksman, o, 'di ba?"

CION: "O, 'day binabalaan din kita, noh? Be kind to animals, baka kase i-BAN din tayo sa sarili nating blogspot (ng PDI?) dahil sa satirical barbs daw natin sa DISQUS vs barbaric (sumasagpang a la buwaya) na legislaTONGs? Ayon sa science, ang mga primitibong tao o barbaro eh 1st class animals, 'di ba? Que barbaridad!!!"

No comments:

Post a Comment