Thursday, March 6, 2014

BRENDA CALLED TANDA AS "SEXUALLY DYSFUNCTIONAL OLD MAN" AND "PEDOPHILE"

ANA: "Ang tindi rin naman ng paglalarawan ni Sen Brenda ke Tanda noh? Biruin mo nga namang sa edad nitong 90, eh inamin ng asawang si Cristina na 38 daw lahat ang mga naging babae ni Tanda, kabilang ang favorite na si Gigi Reyes na trinatong a la Cleopatra?"

LISA: "Nahalata ko nga rin nang biglang bumaling ni Brenda mula sa sinasabong si Dennis Cunanan at si Tanda ang HINARUMBA sa Senate hearing 'tsaka nanawagan ke Gigi Reyes, kung nanonood ito sa you tube, at hinamon itong umuwi na siya sa Pinas para tumestigo laban ke Tanda. Eh, tatanggapin kaya si Gigi para isailalim din sa WPP?"

CION: "Yes, yes, yow. Heto ang literal na hamon ni Brenda ke Gigi - (Attorney Gigi, return the money that Enrile stole... and turn the tables on Enrile by coming home and turning state witness). Sa palagay ko lang ha, tuluyang MATUTULDUKAN ang pagtanggi-tanggi na nangulimbat ng PDAF ang 3 pangunahing onorabol kung maisasalang din bilang state witness si Gigi. T'yak 'yon!!!"  

No comments:

Post a Comment