Tuesday, March 11, 2014

FORECLOSURE OF SOME 52,000 LOW-COST HOUSING UNITS PROBED

Batay sa Committee News na petsa 11 June 2008 ng Committee Affairs Department, House of Representatives - "Prompted by House Resolution 604 filed by House Speaker Prospero Nograles (1st District, Davao City), the Committee on Housing and Urban Development conducted an investigation into the alleged foreclosure of low-cost housing units with highly delinquent accounts that were sold by the NHMFC to the Balikatan Housing Finance Incorporated (BHFI) through the special purpose vehicle program."

Una rito, noong 2005 ay nagtatag ang National Home Mortgage and Finance Corporation (NHMFC), isang Gov't owned and controlled corp. (GOCC) at ang private entity, DB Real Estate Global Opportunities, ng isang JOINT VENTURE COMPANY at tinawag nilang Balikatan Housing Finance Inc.(BALIKATAN), at kumasundo pa (engaged) ng isa pang collection firm, ang Bahay Financial Services (BFI), upang siyang mangasiwa ng paniningil sa mga homeowners o kaya'y magsagawa ng foreclosure due to their inability to pay or restructure their loans.

Ngunit ito ay maliwanag na isang DISPOSITION STRATEGY lamang, ayon sa Column ni Ms. Yoly Villanueva-Ong ng Philippine Star no'ng October 2, 2012, na NILUTO ng NHMFC at merong BASBAS nina ex-NEDA Dir/Gen Augusto Santos, ex-PGMA Gloria Arroyo, ex-VP and HUDCC head Noli de Castro upang BAWIIN mula sa mahigit na 52,000 homeowners nationwide ang binili nilang low-cost housing na merong suma-total na mahigit P13 BILLION dahil sa umano'y delingkuente nilang pagbabayad ng kanilang utang mula 10 hanggang 15 taon, base sa orihinal na halaga ng kanilang property.

ANA: "Uy, malalaking mga pangalan ang nasasangkot sa scam na'to sa housing sa halagang mahigit na P13 BILLION, hamak na mas malaki pa sa tinatayang P6.6 Billion na nakulimbat umano ni Housing magnate Delfin Lee, o, 'di ba?"

LISA: "Meron nang ginagawang imbestigasyon ang NBI sa kasong ito mula pa noong December 11, 2012. Pinalawak pa ng NBI ang ginagawa nilang TAHIMIK na imbestigasyon, kase, isinama sa kanilang pag-iimbestiga kung genuine ang mga Titulo na umano'y inisyu ng Register of Deeds sa mga homeowners na binabawian ng bahay ng Balikatan a.k.a. BFS. Hay, juice koh, 'wag mo pong ITULOT!!!"

CION: "TORRENS SYSTEM na kasi ang pinaiiral na pagrerehistro ng Land Registration Authority sa mga titulo ng real properties. Ang layunin ng sistemang ito eh upang maging simple ang paglilipat ng property mula sa dating nagmamay-ari ng property sa pamamagitan ng ANNOTATIONS sa likod ng titulo para ipangalan na ito na bagong may-ari."

No comments:

Post a Comment