Monday, March 31, 2014

SECURITY FOR JANET LIM-NAPOLES

ANA: "Naks naman talaga, huuu! Nagpapakitang-gilas ang PNP kung gaano sila kaEPEKTIBO sa kanilang pagbabantay sa kaligtasan ni Janet. Ang tanong eh, sino ba kase ang gustong matigok o TUmigok ke Janet, bukod sa 3 senaTONG,  habang siya eh nililitis sa Husgado re PDAF scandal? Posible bang meron pang ibang (mercinaries) na 'gaya ng mga medical practitioner?"

LISA: "Eh 'yun nga ang ipinagtataka ko rin. Kase, todo-todong OA (over-acting) yata ang PR (praise releases) na pinaiiral ng PNP re security kuno na ipinatutupad nila para ke Janet porke pati media eh pinanghihimasukan at napapaikutan ang kanilang diskarte kung pa'nong maka-scoop sila ng balita tungkol sa kaligtasan ni Janet, o, 'di ba?"

CION: "Ay natumbok mo 'day. Tulad halimbawa, meron bang puliswoman na taga-bantay sa loob ng CR habang tumatatse si Janet o kaya eh, meron bang kasamang puliswoman si Janet sa mismong loob ng kanyang kuwarto at kung nakaPOSAS ba siya? Otherwise, malayang matitigok ng mercinary si Janet???"  

No comments:

Post a Comment