Thursday, March 13, 2014

TRO ENSURES INDEFINITE JAIL TIME FOR DELFIN LEE

ANA: "O, kitam? Sabi ko na nga bang mananaig ang katarungan re BINABARASO ng mga lieyers ni Delfin Lee na ilabas siya sa kalaboso gamit ang dispalinghadong utos ng Appellate Court, noh? Kase, sinopla ng SC sa pamamagitan ng TRO ang naunang order ng CA annulling the arrest warrant issued by the RTC vs Delfin Lee, o, 'di ba?"

LISA: "Pero 'lamobang 'yung scheme ng KATIWALIAN ng pangungulimbat ni Delfin Lee eh KINOPYA lamang niya ito sa istilo ng BALIKATAN alias BFS, na KINOPYA rin ng Balikatan at BFS ang istilo naman ng developer ng Palmera subdivisions sa buong Pilipinas? Nauna pang inimbestigahan ang Balikatan at BFS ng House of Representatives no'ng panahon pa ni Nograles bilang Speaker ng mga dePUTAdo, pero walang resulta magpahanggang ngayon! Hay juice koh!!!"

CION: "Nakuha lahat ni Sir Leo ang kopya ng MINUTES of MEETING ng House Committee hearings, re Balikatan case, kahit wala pang FOI, bilang DOCUMENTARY EVIDENCE vs Balikatan a.k.a. BFS for land grabbing at isinumite nito sa NBI for investigation noon pang December 11, 2012. Kumpara sa kaso ni Delfin Lee na walang involve na malalaking pangalan, ang kasong ito ng Balikatan alias BFS eh lumilitaw na meron DAW BASBAS nina ex-PGMA Ate Glo, ex-VP Nolee at NEDA ex-Dir/Gen Augusto Santos???" 

No comments:

Post a Comment