Friday, March 14, 2014

PAY-FOR-STAY

ANA: Meron na namang bagong pakulo si onorabol Brenda na wala pang precedent. Kase, umaabot daw pala ang gastos ni Janet Lim-Napoles sa halagang P5,000 kada araw; P150,000 kada buwan; at P1.8 million kada taon. Kailangan, ANIYA, na singilin ng gobierno ang pagkulong sa kanya sa isang BUNGALOW, sa halip na sa selda ng city jail kasama ang iba pang preso, o, 'di ba?"

LISA: "Uungaa, eh biruin mo nga naman na talagang napaka-special treatment daw ang ibinibigay ke Janet, samantalang AYAW naman niyang kumanta ng La Paloma kung sinong onorabol ang talagang utak ng PDAF scam. Sabi kasi ni Brenda na kulang daw ang talino ni Janet para makaimbentong mag-isa niya ng MASALIMUOT ngunit matagumpay na pandarambong ng multi-billion mula sa PDAF, kase, 'di naman daw siya college graduate, oh-hah?"

CION: "Eh 'yung mga Abu Sayyaf nga, no read - no write, pero matagal nang meron silang programa na mas malaking hamak kung maningil ng BOARD & LODGING sa gitna ng kabundukan mula sa kanilang kidnap victims na 'di bababa sa halagang P10 million kada ulo. Kung magkaminsan nga eh pugot-ulo o panggagahasa ang ibinibigay na sintensiya sa isang kidnap victim kung 'di ito makapagbayad ng B&L. So, maliwanag na matagal nang merong PRECEDENT 'yang pakulo ni Brenda, peksman!!!"      

No comments:

Post a Comment