Sunday, March 9, 2014

DELFIN LEE MANAGE TO LIVE AN ALMOST NORMAL LIFE

ANA: "Pa'no nga kaya nakagagalaw ng normal si Delfin Lee samantalang lahat ng taong-gobyerno, kabilang na ang Malacanang, eh mahigpit siyang pinaghahanap mula pa no'ng May 2011 dahil sa pandarambong ng P7 Billion mula sa Pag-Ibig Fund, ha?"

LISA: "Iyon nga ang nakapagTATAKA, kase, ayon sa isang intel agent ng Task Force Tugis, meron daw mga bodyguard si Delfin na laging nakatugaygay sa kanya INCOGNITO na pawang mga pulis din! Ang mga badyguard na'to ni Delfin eh nagpaputok ng tunog de-sabog na rebentador sa labas ng Hotel para guluhin at itakas SANA si Delfin habang hinuhuli siya ng TFT. Biruin mo 'yon?"

CION: "Samakatwid, posibleng merong nag-UUTOS na malaking politiko sa mga bodyguard ni Delfin na bantayan siyang maige para HUWAG MAHULI ng TFT, otherwise, t'yak na madadamay ang politiko sa kasong syndicated estafa na 'gaya ng plunder na walang piyansa? O, sino ang malaking ex-politician na'to na kilala sa boses nitong - (magandang gabi, bayan!)???"

No comments:

Post a Comment