ANA: "Tama ba ang pang-unawa ni ex-CJ Rene Crown sa batas, kase, sinabi niyang si Omb Conchita raw eh siya niyang accuser, complainant, prosecutor, investigator, judge, 'tsaka executioner, bukod pa sa siya rin ang ombudsman?"
LISA: "Ay, ano ba talaga, kuya!? Dapat eh alam mo na magkakaiba ang function at personahe ng complainant, prosecutor, investigator, judge, executioner at ombudsman dahil dati kang chief justice, 'di ba? Aba'y biruin mong sasakupin ng iisang tao ang anim (6) na klase ng posisyon, eh 'di ang laki-laki ng sasahurin niya kada buwan, o, 'di ba?"
CION: "Kung ang dating CJ eh nagsasabing si Omb Conchita eh humahawak DAW PALA ng anim na klase ng gov't positions, samakatwid, posible kayang si ex-CJ Crown ang mismong ORIHINAL na humawak at sumueldo o tumanggap ng suhol ng sabay-sabay para sa anim na klase ng posisyon? So, dapat na magpaliwanag siya sa Ombudsman kung saan galing ang umano'y P130M kayamanan niya, 'di ba u'r honor?"
No comments:
Post a Comment