Friday, March 21, 2014

CONVICTED LOCAL EXECS STILL GETTING SALARIES

ANA: "Ay, ano ba 'yan! Kondenado na nga ng Korte at NAKAKULONG na para habambuhay sa bilibid dahil sa PANDARAMBONG, pero bakit pinasusueldo pa rin ng local gov't, ayon mismo ke Sarangani Gov Steve Solon, sina Sarangani Board Members Eugene Alzate at Cornelio Martinez Jr? Magkano ang dahilan, ha?"

LISA: "Ang katwiran kase ni Gob eh meron pa raw APELA 'yung 2 kondenado sa SC, 'tsaka, wala pa raw utos sa kanya ang korte na huwag nang pasahurin sila? Hindi ba parang gumagawa ng precedent 'TONG si Gob that may serve as an example for later action???"

CION: "Natumbok mo 'day. 'Yun daw kasing plunder case ng 2 Sarangani board members eh IDENTICAL sa kasong plunder din nina onorabol Tanda, Junggoy at Bobong Pogi, kasama ang 77 iba pang kagulang-gulang na dePUTAdos ng House. Kung sakaling masampahan lahat sila ng plunder case sa Sandiganbayan at ikalaboso, eh tatanggap pa rin ba ang mga onorabol na'to ng sueldo nila base sa PRECEDENT ng Sarangani case??? Onli in da Pilipins!!!" 

No comments:

Post a Comment