Tuesday, March 25, 2014

MORE, MORE, MORE PAYOFFS

ANA: "Kung tutuusin eh unprecedented talaga ang grabeng naglalabasang PANDARAMBONG na matagal na palang ginagawa ngunit halos sabay-sabay na natutuklasan ng publiko at naglulutangan sa panahong ito ni PNoy, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Dapat sana'y FIRST WORLD na ang kategorya ng Pilipinas kung 'di lang NINANAKAW ng mga SALOT ang bilyon-bilyon halaga mula sa kaban-ng-bayan, 'gaya ng naka-ugaliang pandarambong ng mga legislators sa kanilang PDAF, double selling ng mga developers sa kanilang housing projects, ac/dc media, pabaon sa magre-retirong mga heneral na produkto ng PMA, ang mga BUWAYA sa BoC, 'tsaka ang 'di pagbabayad ng tamang buwis ng mga professionals! Hay, mga LINTA!!!"

CION: "O, 'yang puso mo 'day baka bumigay. Mabuti naman at HINDI TINATANTANAN ni PNoy ang pagsugpo sa mga nagsulputang istilo ng pandarambong, katulong ang kanyang tatlong Maria na pawang merong BAYAG, 'ika nga, sina SoJ LdL, Omb Conchita at CoA Chair Tan. Siempre, kasama rin si BIR Comm Kim. Basta umasa tayong MAIPAKUKULONG lahat ang mga salot na walang-bayag bago matapos ang termino ni PNoy, AMEN. . ."


No comments:

Post a Comment