ANA: "Sa kolum ni Federico Pascual ng PhilStar eh nagpadala ng kanyang blog si 82-year old Max J. Edralin, Jr, dating Reporter ng Philippines Herald noong dekada '50, at isa sa 5 tinaguriang (bunch of courageous and conscientious newspapermen). Kase, minabuti nila noon na MAGPAKULONG silang 5 kesa sabinin sa Korte kung SAAN o SINO ang SOURCE ng kanilang isinulat na balita. Nabasa mo rin?"
LISA: "Oo nga 'ga. Si Lolo Max na lamang ang buhay sa 5 courageous & conscientious NEWSPAPERMEN who preferred to go to jail than to reveal the source of their information used in a news story. Ito kasi ang pagbabasehan ng judge para maIPATAW ke OSCAR CASTELO noon ang death sentence sa kasong murder. Si Castelo eh powerful Cabinet Secretary of both Justice and Defense departments noong panahon ni President Elpidio Quirino."
CION: "Yes, yes, yow. 'Yun kasing tinalakay ni Lolo Max eh patungkol sa new RA 10175 na deklaradong constitutional ng SC pero inaalmahan ng mga gumagamit ng INTERNET o social media, 'gaya ng mga blogger. Ayon ke Lolo Max - (.. the law is more for those in social media who DO NOT KNOW THE LIMITS and who might use this new freedom to harass people and destroy reputations.) So, 'wag bara-bara ang mga blogger, sabi nga, think before u click, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment