Thursday, March 20, 2014

GUESSING GAME NOT YET OVER

ANA: "Umamin na pala si neophyte Sen Cynthia Villar, asawa ni ex-Speaker of the House and ex-Senate Pres Manny Villar, na siya ang TINUTUKOY sa privilege SPIT ni Junggoy na katsibugan do'n sa bagong mansion ni Ruby Tuason bilang host, kasama mismo si Junggoy, para sa isang SANDWICH party na exclusive para lang sa kanilang tatlo? Anong klaseng krimen ba kase ang sandwich party, meron ba?"

LISA: "Ay, uh-ungaa 'ga. Ang dahilan kase kaya raw eksklusibo ang imbitasyon ni Ruby kina Junggoy at Cynthia, ayon sa privilege SPIT ni Seksi, eh para ipagyabang kuno ni Ruby kina Junggoy at Cynthia ang bagong mansion ni Ruby na binili RAW ng P45 M at ang perang ipinambili eh dinambong DAW mula sa Malampaya fund? Disaster!"

CION: "Hey, baka tamaan tayo ng libelo 'day, kase, masyadong LITERAL 'yung pagbanggit mong MULA umano sa Malampaya fund ang ibinayad ni Ruby sa biniling mansion nito. Sana, sabihin mo na lang ng paligoy-ligoy para iwas libelo: ang palaman ng blowout na sandwich ni Ruby na pinagsaluhan nilang tatlo eh MANTIKILYA Malampaya, nakakabundat a la Seksi, pero 'di naman nakakasawa, bagkos nakaka-adik nga, o, 'di ba Bobong Revilla? Anong say mo, Tanda?"   

No comments:

Post a Comment