Wednesday, March 19, 2014

AFTER LEE, ANOTHER 'BUWAYA' EXPECTED?

ANA: "Iyon kayang pahiwatig ni PNoy kahapon na MALALAMBAT na, kasunod ni housing magnate Delfin Lee, ang isa pang housing magnate na BUWAYA 'gaya ni Lee??? Hay, sana'y totoo na'to, juice koh!!!"

LISA: "Heh! Bakit ka kinikilig d'yan? sino ba'ng tinutukoy mong buwayang-lubog (housing magnate) na 'kamo'y a la Delfin Lee? sige, ibulgar mo kung sino siya para mapaalalahanan ang mga homeowners na biktima ng DOUBLE SELLING 'gaya ng pormulang istilo ni Delfin Lee, go, go, gooo ahead!!!"

CION: "Ang tinutukoy ni Ana, in fairness, eh hindi ang mga PUGANTENG sina ex-Gen Palparan, Reyes brothers at si Ecleo Jr, kundi, ang ulo-ulo ng private entity na BALIKATAN a.k.a. BFS na hamak na mas masahol pang patuloy na gumagawa ng DOUBLE SELLING (P13-B) up to now ng mga hinuhulugang low-cost housing, kase, pinagkalooban UMANO siya ng BASBAS nina ex-PGMA, ex-VP/ex-HUDCC bigboss Noli de Castro at NEDA ex-Dir/Gen Augusto Santos! SINO KA???"

No comments:

Post a Comment