Saturday, March 8, 2014

IS DELFIN LEE ANOTHER STATE WITNESS?

ANA: "Ano ba 'yan! As usual nagpapalutang na naman ang mga LIEYERS ni Delfin Lee para gawin siyang state witness 'tsaka i-confine sa hospital dahil sa high blood kuno, sa halip na maghimas-rehas sa regular na kalaboso ng NBI, o, 'di ba?"

LISA: "Oy, 'lamobang andami ngayon ang naglabasang PRO & CON na politikong umeEPAL re sa kasong ito ni Delfin, 'gaya nina veep Jojo at Or.Mindo Gov Omale na INGAT-YAMAN daw ng Liberal Party. Hay, ubos tayo, peksman!"

CION: "Ay, grabe naman talaga ang halaga ng kinulimbat na kuarta-ng-bayan sa pangunguna ni Delfin Lee. Pero 'di 'gaya sa Janet Lim-Napoles PDAF scam, dito sa kaso ni Delfin eh walang pinapangalanang malalaking politiko na posibleng KASANGKOT sa scam na'to ni Delfin. KATAKATAKA!!!"   

No comments:

Post a Comment