Wednesday, March 5, 2014

GOV'T WITNESS RUBY TUASON LEFT FOR HONGKONG

ANA: "Naku, an'dami na namang nang-uurot ke DoJ Sec LDL porke alam daw ba niyang NATAKASAN na siya ni Gov't witness Ruby Tuason? Pero in fairness, sa pagkakaalam ko kasi eh puedeng itago sa ibang bansa ng WPP ang kanilang taong pinuprotektahan, peksman."

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kase, matatandaang direktang isinangkot ni Ruby si Sen Jinggoy Estrada na personal nitong hinahatiran umano ng milyon-milyong halaga ng SUHOL sa mismong opisina nito sa Senado mula sa SABSABAN ng PDAF ni Janet Lim-Napoles, o, 'di ba?"

CION: "Dats rayt! So, siguradong meron kasamang security agents mula sa WPP bilang bantay ni Ruby sa abroad sa halip na dito siya sa Pinas itago, kase, talagang MAPANGANIB para sa kanyang buhay. Nararamdaman marahil ng mga WPP security agents na DESPERADO na ang mga kinasuhang mga onorabol, noh? Ano sa palagay mo, ha?"

No comments:

Post a Comment