Monday, March 17, 2014

BEST CURE FOR A HEADACHE IS TO SHOOT YOURSELF IN THE HEAD - CDQ

ANA: "Ang tindi naman ng pagmamatwid ni CDQ re (Agreement on Enhanced Defense Cooperation) sa pagitan ng Phl at U S A, kase, para mawala raw ang sakit mo sa ulo, eh magbaril ka sa'yong sentido? Susmaryopes ka talaga, Seediykew, oke ka lang???"

LISA: "Malaking duda kasi ni Conrado na NANGGOGOYO na naman ang mga 'Markano para magtayo muli sila ng base militar sa Pinas na ayon sa kanya eh, (It will commit the nation to harboring US military enclaves in our base TILL KINGDOM COME). Ano ba'ng ibig sabihin no'n, alam mo?"

CION: "Para sa'ken eh practical lang ang pagpayag ng gobyernong PNoy sa kasunduang binabanggit ni Ana, kasi nga, wala talagang magagawa ang Armed Forces of the Phils vs pambu-bully ng Tsekwa para tuluyang SAKUPIN nila tayo. Mapipigil lang ito siempre kung binabantayan tayo ng USA? Aminin!!!" 

No comments:

Post a Comment