Sunday, March 23, 2014

JUNGGOY BANKING ON OMBUDSMAN TO BE FAIR IN PDAF CASE

ANA: "BIZZARE! Kakaibang talaga peksman. Kase, wala na akong maidaragdag pa sa sama-samang PANGHIHIYA mula sa 'gaya nating bloggers na direktang patama kina onorabol Tanda, Junggoy at Bobong Pogi. Todo-todong iritasyon na kasi ang nadarama ng sambayanan vs mga mandarambong, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero sa palagay ko eh likas na matigas at makapal na ang nakakulapol na APOG sa pagmumukha ng 3 salot na'to sa pandarambong mula sa kaban-ng-bayan, kasi nga, eh tila 'di sila tinatablan ng kahihiyan, partikular si Junggoy na humihirit pa ke Omb Conchita? Susmaryopes, mangilabot na naman!"

CION: "Gayunman, eh 'wag sanang mainip ang sambayanan, lalo ang 'gaya nating bloggers, bagkos eh magtiwala TAYO LAHAT ke Omb Conchita na anumang-sandali eh ISASAMPA na nito ang kasong plunder vs mga onorabol na mandarambong sa Sandiganbayan. Sana naman eh PUMUTI ang budhi ng mga akusado sa kalaboso habang pending ETERNALLY ang kanilang kaso. . ."

No comments:

Post a Comment