Monday, March 3, 2014

HASTEN THE PROCESS OF PERSECUTING THOSE INVOLVED IN THE SCAM?

ANA: "Sino kaya kina PDI reporter Bong Lozada at Malacanang Spokesman Edwin Lacierda ang gumamit ng word na PERSECUTE (pagmalupitan) na nasa second to the last paragraph ng istorya? Talaga kayang sinasadya na PAGMALUPITAN ang mga involved sa PDAF scam sa halip na i-PROSECUTE (ipagsakdal) silang lahat sa Korte?"

LISA: "Depende 'yan kung pabor o laban ka sa mga nasasakdal sa PDAF scam, kase, puede mong pagpalitin ang meaning ng word na persecute at prosecute dahil magkaTUNOG naman 'yung dalawang words, o, 'di ba?"

CION: "Para sa isang writer ng diario, hindi nito maiiwasan ang paggamit ng maling words sa kanyang istorya. Pero itinatama ito ng editor at babasahin ng proofreader bago maisalang sa imprenta. Samakatwid, talagang SINASADYA ng PDI para patuloy na pagmalupitan (PERSECUTE), sa halip na ipagsakdal (PROSECUTE) ang mga onorabol sa pangunguna nina Tanda, Junggoy at Amazing Kap, et al? Susmaryopes talaga!"      

No comments:

Post a Comment